Pagkakasama ni Roque sa ILBO – wi-nelcome ng PAOCC

Wi-nelcome ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang paglalagay sa Immigration Look-Out Bulletin Order kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at sa 11 iba pa – dahil sa umano’y ugnayan ng mga ito sa ilegal na POGO incorporators at corporate officers ng Lucky South 99 at Whirlwind Corporation na ni-raid kamakailan sa Porac, Pampanga.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, sinabi nitong nagpapasalamat sila para sa pag-iisyu ng ILBO sa naturang mga inidbidwal.

Samantala, kasabay ng pagkakasama ni Roque sa listahan ng may ILBO, nanindigan si Casio na ang trabaho ng kanilang ahensya ay ‘hindi politically motivated.’

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Habang lumalalim aniya kasi ang kanilang imbestigasyon, napag-alaman nila na tila hindi na lang basta ‘lawyering’ ang ginagawa ni Roque sa nasabing mga POGO.

May sapat na hawak din umano silang impormasyon na susuporta sa kanilang mga alegasyon, pero magpapatuloy pa rin daw ang kanilang malalimang imbestigasyon para mas tumibay pa ito.