“Batang Kalasag” ng CDRRM ipinatutupad  sa ilang mga paaralan sa Naga

NAGA CITY –Ipinatutupad sa Naga City ang mga programa at aktibidad na nakapaloob sa “Batang Kalasag” ng City Disaster Risk Reduction Management Office na kung saan ang mga batang mag-aaral ay dapat may kaalaman sa pagbibigay ng 1st aid sa panahon ng kalamidad o anumang disgrasya.

Sa paliwanag sa Brigada News Fm Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi niyang ang mga batang lumahok sa isinagawang “Batang Kalasag” ay galing sa iba’t-ibang paaralan pang elementarya at ang mga ito ay tinuruan hinggil sa mga dapat na gawin sa Basic Life Support, Water Safety, and Emergency Response Activity.

Anya’y tulad ng ibang sector sa komunidad, mahalagang may kaalaman din ang mga bata lalo pa at pasukan na naman ngayon, abala na naman ang mga ito sa paaralan at pakikihalubilo sa kapwa-mag aaral at sa titser na anumang oras ay puwedeng makaranas ng disgrasya o problema sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *