Batang babae, nahulog sa silong bago nalunod- patay sa Quezon, Palawan

Pinaglalamayan na ang apat na taong gulang na batang babae matapos na mahulog sa silong ng bahay at malunod sa tabing dagat ng Bgy. Alfonso XIII Quezon, Palawan.

Ang insidente, nangyari hapon ng Martes, February 20, 2024.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon kay Kapitan Leonard Vincent Ayod, tumutulay raw ang bata sa kahoy bago ito nahulog na nagkataon na walang tao sa paligid kaya walang nakapansin sa pagkahulog nito.

Nagkataon rin na malalim ang tubig- dagat sa ilalim ng bahay nang mangyari ang insidente.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sabi pa ng opisyal sa Brigada News, naglalako ang ama ng bata habang ang ina nito ay may pinagkaka-abalahan din nang mangyari ang pagkalaglag ng kanilang anak.

Samantala, isang bata rin umano ang nakakita sa walang buhay na katawan ng biktima habang ito ay lumulutang sa tubig.