Nagsimula na ang lalawigan ng Bataan sa pagbibigay ng booster shots para sa mga fully vaccinated na frontliner at healthcare worker o yong mga kabilang sa A1 Priority Group.
Ito ay matapos na mabigyan ng Emergency Use Authorization o EUA ang pagtuturok ng booster shots sa mga nasa A1 gamit ang Pfizer, Astrazeneca, Moderna at para sa mga nabakunahan ng Sinovac ay maaari ring kaparehong bakuna ang iturok o kaya ang mga naunang nabanggit.
Paalala ng Provincial IATF, ang mga fully vaccinated lamang sa lumipas na anim na buwan o higit pa ang maaaring tumanggap ng booster shots.
Kinakailangan lamang na dalhin at ipakita ang vaccination card bilang patunay na bakunado ang isang indibidwal.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
