Basurang nabubulok, hindi na dapat nakakarating pa sa sanitary landfill

Hindi na makarating o madala pa sa sanitary landfill ang mga nabubulok na basura, ito umano ang isa sa mga sitwasyon na nais na mabago ng City Government  sa pag-implementa nito ng Segregated Garbage Collection.

Ayon kay City Environment and Natural Resources Office o CENRO Supervising Environmental Management Especialist Engineer France Luigi Lugena, hakbang ito upang hindi agad na mapuno ang tapunan ng basura at upang hindi na rin mahirapan ang  mga barangay o ang nakatoka sa pagkokolekta ng mga basura na magsagawa ng composting dahil naihiwalay na ang mga basurang nabubulok sa hindi.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Paliwanag ni Lugena,  hanggang sa kasalukuyan kasi ay mano- mano pa ang kanilang pag-sort ng mga basura kung kaya hindi talaga naiiwasan na may mga biodegradable waste pa rin na nakakasabay at nadadala sa sanitary landfil.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ito aniya ang nais nilang mabago dahil bukod sa makakadagdag pa ito sa mga basurang dadalhin sa sanitary landfill ay ito rin ang kadalasang sanhi ng pangangamoy ng pasilidad.