Kinondena ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition ang nangyaring pananambang kay South Upi, Maguindanao del Sur Vice Mayor Roldan Benito pasado alas singko ng hapon kahapon.
Si Benito at ang kanyang aide na si Weng Marcos ay napatay matapos na paulanan ng bala ang sinasakyan nito sa Barangay Pandan habang ikinasugat ng kanyang maybahay at labing isang taong gulang na anak.
Nananawagan ngayon ang BARMM Grand Coalition sa mga awtoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pangyayari at tukuyin ang mga nasa likod ng krimen.(Jom Dimapalao)