Naantala ang pagbalik sa Manila ng isang eroplano ng Philippine Airlines Flight mula sa Tacloban Airport kung saan karamihan sa mga pasahero ay mga Kongresista na dumalo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Ito ay matapos na magbomb joke ang isang 80-anyos na lola na isa rin sa pasahero ng naturang flight.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang babae na nagloko sa PAL flight attendant at sinabing may bomba na sasabog.
Samantala, pinayagan na ng mga otoridad at ng CAAP na lumipad ang naturang eroplano mula Tacloban City patungong Maynila ng ma-clear na walang bomba.
