Mahigit isang milyong pisong cash pati mga gadgets at mga foreign passport ang na-recover sa 29 vaults na binuksan sa Lucky South 99 POGO hub sa Porac Pampanga.
Ito ang unang beses na binuksan ang mga vaults mula ng salakayin ito noong Hunyo.
Sa ngayon 29 vaults na ang kanilang nabuksan kung saan naglalaman ng mga pera, passport at ilang mahahalagang dokumento.
May nakuha pang ilang dokumento pero hindi pa tukoy ng mga otoridad kung ano ang mga ito.
