Barko at Eroplanong pandigma, nagpatrolya na sa Benham Rise

In-organisa ng Joint Task Force Karagatan ang pag-dedeploy ng barko mula sa Philippine Navy at mga eroplano kabilang ang mga FA 50 fighter jet ng Philippine Air Force para magpatrolya sa territorial waters ng bansa sa Benham Rise.

Pinangunahan naman ni Lt. Gen. Fernyl Buca, Commander of Philippine Armed Forces of the Philippines, ang seremonya noong Hunyo 12 sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales upang ipadala ang Condrado Yap at BRP Waray upang magpatrolya sa mga maritime area na kinabibilangan ng Bajo de Masinloc, ang pinakahilagang grupo ng mga isla sa bansa at Philippine Rise.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite
Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon sa Northern Luzon Command (Nolcom) isinagawa nila ang aktibidad na ito upang mabigyang seguridad ang maritime domain ng bansa kabilang ang Bernham Rise o mas kilala na Philippine Sea.

Kaugnay nito Ayon sa Philippine Navy, ang joint maritime activities ay nais nilang kakitaan ng determinasyon ng Armed Forces na ipagtanggol ang territorial integrity ng bansa.//MCV