Baril at mga bala nasamsam sa isang magsasaka sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Isang 46 anyos na magsasaka ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad dakong alas 8:00 ng umaga nitong Pebrero 25, 2022 sa Purok-2, Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte.

Ang naarestong personahe ay kinilalang si alyas “Oli”, 46 na taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Inaresto ang supek sa  bisa ng Search Warrant No F-02-2022 para sa paglabag sa RA 10591o The Comprehensive Firearms & Ammunition Regulations Act na ipinalabas ni Hon. Judge Ivan D Dizon ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang February 24, 2022.

NAsamsam sa nasabing operasyon ang isaang (1) Improvised caliber 22 rifle; Limampu’t Apat (54) na bala para sa caliber 22; Labing tatlong (13) na basyo ng bala para sa caliber 22; at  Apat  (4) na bala para sa  caliber 45.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Basud MPS ang naarestong suspek habang inihahanda na ang mga dokumentong kailangan para sa pagsasampa ng kaso laban dito.