Baril at hinihinalang shabu, nasamsam sa 2 indibidwal sa Lucena city

Nasamsam ng mga awtoridad ang baril at mga sachet ng hinihinalang shabu sa dalawang indibidwal habang nagsasagawa ang mga ito ng Oplan Sita sa Barangay Isabang, Lucena City nitong Biyernes.

Ayon sa report, nilapitan umano ng mga kapulisan ang mga suspek habang itinutulak ang kanilang motor ngunit walang naipakitang dokumento ang mga ito.

Sa preventive search ng mga awtoridad, nakita ang isang (1) Caliber 22 Pistol, magasin, mga bala at wallet na naglalaman ng anim (6) na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱59,000..

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *