CAMARINES NORTE- Nasa pangangalaga ngayon ng Mercedes MPs ang isang mangingisda sa isinagawang search warrant operation bandang 9:58 ng gabi nitong Pebrero 3, 2022 sa Purok-6, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte.
Sa pinagsamang pwersa ng mga otoridad arestado ang suspek na nakilalang si alyas “SENDONG”, 58 anyos at residente ng nabanggit na lugar
Si SENDONG ay naaresto sa implementasyon ng Search Warrant para sa paglabag sa R.A. 10591 o mas kilala sa The Comprehensive Firearms & Ammunition Regulations Act na ipinalabas ni Hon. Judge Evan D Dizon ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang Pebrero 3, 2022.
Nakuha sa nasabing operasyon ang Isang (1) kalibre .38 rebolber , Limang (5) piraso ng bala ng kalibre .38 rebolber; at Isang (1) kulay pula na eco bag na may tatak na RRJ
Inihahanda na ngayong ng Mercedes MPS ang kasong isasampa laban sa sa suspek
Muli namang ipinaalala ng Camarines Norte Provincial Police office ang ipinaiiral na election Gun ban.
Ayon kay CNPPO Provincial Director Julius Guadamor mas paiigtingin pa ng Pulis Bantayog ang implementasyon laban sa mga hindi rehistradong baril, kung saan ito ay maaring gamitin ng masasamang loob dito sa probinsya ng Camarines Norte.
Nanawagan naman ang opisyal sa lahat na magtulungan upang makamit ang payapa at maayos na pamayanan sa lalawigan
