CAMARINES NORTE- Bumaba na sa 89 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet sa latest report ng Dart IMT kahapon
Sa ipinalabas na datus ng Daet emergency operations center, 55 rito ang nagpositibo sa RT PCR test at 34 ang nagpositibo sa Rapid Antigen test
Umakyat naman sa 1,209 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit habang nananatili sa 66 ang mga nasawi na kumpirmado sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable
Ang bayan ng Daet ay nakapagtala na ng 1,330 total cases mula ng March 2020
Samantala, bumaba na sa 4.29% ang average daily attack rate as of February 03. 2020 sa pagpasok ng unang linggo ng Pebrero mula sa highest peak na mahigit 11% na naitala sa unang tatlong linggo ng Enero
