Barge sumadsad karagatang sakop ng Bangan, Botolan

Sumadsad ang isang barge kahapon ng hapon sa karagatang sakop ng Bangan, Botolan, Zambales.

Ayon kay Botolan PCG Sub-Station Commander PO3rd Mar Marasigan, dadalhin sana ng tug boat ang barge sa mas ligtas na lugar subalit naputol ang tali nito.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Kasabay ito ng naranasang malalakas na pag-ulan, hangin at alon dulot ng Bagyong Paeng.

Sakay umano ng barge ang anim na tripulante nito kung saan kaninang umaga ay narescue na ang tatlo.

Base sa nakuhang impormasyon ng PCG sa mga naunang narescue, mayroon pang dalawang crew ang nasa loob ng barge habang may isang nawawala.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa ang ginagawang operasyon ng mga otoridad para makuha ang dalawa pang crew.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Ronnie Bringas