Baretto, miyembro na ng PCG Auxiliary K9 Squadron

Opisyal nang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxialiary K9 Squadron ang aktres na si Julia Barretto.

Sa isang Facebook post, ay winelcome ng PCG ang aktres sa hanay nito, kung saan ay pinangunahan ni PCG commandant Admiral George Ursabia Jr. ang oath-taking ceremonies ni Auxiliary Ensign Barretto.

Nakasama ni Barretto sina Auxiliarist Ando Cruise Catipay, Auxiliarist Jalil Laidan, at Auxiliarist Harold Jocel Talan, sa ginanap na seremonya sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila.

Present sa event ang nobyo ng aktres na si Gerald Anderson, na isang auxiliary lieutenant commander ng PCGA K9 Squadron.

Bilang most senior appointee, ay nabigyan si Barretto ng oporunidad na magsalita para sa kaniyang kapwa PCGA members.

Pinasalamatan ni Barretto ang PCG dahil sa pag-welcome nito sa kaniya sa larangan ng pagseserbisyo publiko.

Nangako naman si Barretto na aktibo nitong susuportahan ang mga inisyatibo ng unit sa pamamagitan ng humble at compassionate service sa mamamayang Pilipino.