Ilang senador, hiniling na maging bise presidente ni Mayor Sara para sa halalan sa 2022

Isniwalat ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga pangalan ng ilang senador na lumapit sa kaniya para hilingin na maging vice presidential candidate niya para sa halalan sa 2022.

Sa isang Facebook post ay itinanggi ng presidential daughter ang sinabi ng kaniyang ama sa isang recorded public address na bumisita sa kaniya si Senator Imee Marcos sa Davao para hilingin na maging vice president niya sa eleksyon.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ipinunto ng alkalde na ang makukumpirma niya sa ngayon ay kabilang sina Senators Sherwin Gatchalian at Bong Go sa mga lumapit sa kaniya para hilingin na maging Bise Presidente niya.

Ginawa aniya ang naturang proposal sa pamamagitan ng kanilang common friends.

Ipinaliwanag naman ni Mayor Sara na ang pagbisita sa kaniya ni Marcos sa Davao noong May 29 ay para lamang batiin siya sa kaniyang kaarawan.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Mababatid na inendorso ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ang tandem na kabibilangan nina Go bilang presidential candidate at Pangulong Duterte, bilang vice presidential candidate.

Una nang sinabi ng Punong Ehekutibo na aatras ito sa vice presidential race kung tatakbo ang anak niya sa pagka-presidente.