Barangay Tanod, timbog sa buy bust ops

Nadakip kagabi ng mga kasapi ng Ilagan Component City Police Station ang isang barangay tanod sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation sa Cabasal Street Barangay Centro Poblacion.

Kinilala ang inaresto na si alyas Ram ,56-anyos at residente ng brgy. Centro Poblacion, City of Ilagan, Isabela.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nakuha sa kaniyang pag iingat ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 0.10 grams at nagkakahalaga ng Php. 680.00; dalawang piraso ng tunay na 500.00 peso bill na ginamit bilang buy bust money ; at isang cellphone.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na nasa pag iingat na ng himpilan ng pulisya.