Magsasaka na tulak ng drog, timbog

Dinakip ng mga kapulisan ng Ilagan Component Police Station ang isang magsasaka na nasa listahan bilang street level individual sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation kagabi sa Purok 3, Brgy. Lullutan City of Ilagan, Isabela.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nadakip ang suspek na si alyas Ewin, 48 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Cabannungan 1st, nabanggit na siyudad.

Nakuha rito ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang .12 gramo at SDP na Php816.00 (Buy-Bust item); isang piraso ng tunay na 1000.00 peso (Buy-bust money); at isang cellphone.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dinala ang naaresto sa himpilan ng pulisya at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanya.