Nangongolekta ng mga plastic wrapper ang Barangay Rabanes sa bayan ng San Marcelino.
Ito ay para mapalitan ng bigas ang mga nakukuhang plastic wrapper ng mga residente sa lugar na ginagawa tuwing araw ng Myerkules.
Pursigido ang barangay na maalis na ang mga plastic na basura sa mga kanal na nakakapagdulot ng pagbara ng tubig.
Ayon kay Punong Barangay Michael Piga kabilang sa mga kokolekta ng barangay ay ang plastic wrapper ng kendi, shampoo at mga cellophane na ginagamit sa mga palengke.
Samantala, ang isang kilong plastic wrapper ay kapalit ng isang kilong bigas.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
