Barangay Bitan- o, nagpaliwanag sa isyu ng ‘road concreting project’; pondo, nasa kamay pa ng city government

SORSOGON CITY – Pinabulaanan ni Barangay Bitan-o Kagawad Jose Ariel Duana ang impormasyon na naibaba na sa kanila ang pondo kaugnay ng concreting project sa nasa 385 square meters na lote sa Purok 2 ng nasabing barangay.

Sa pahayag ng opisyal sa programang ‘Barangayan’ sa Brigada News, sinabi nito na ang nasabing pondo ay nasa City Government pa.

Dagdag pa nito na ang proyekto ay hindi pa nasisimulan dahil nagkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan sa may-ari ng lupa.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Ayaw umanong pumayag ang land owner na mayroong bahagi lamang ng kanyang donasyong lote ang masesemento, dapat ay ang mismong kabuuan nito.

Gayunpaman, tiniyak ng opisyal na naayos na ang nasabing usapin at compliant na sila sa lahat ng mga kinakailangang dukumento at tiniyak naman ng contractor na matutuloy ang nasabing proyekto.

Idiniin rin ng opisyal na ang concreting road ay proyekto ng city government, tanging partisipasyon nila dito ay ang pagiging compliant  sa mga kinakailangang dukumento at imonitor ang nasabing proyekto kapag nagsimula na.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Una rito, ilang residente mula sa nasabing barangay ang nagpaabot ng reklamo sa Brigada News tungkol sa nasabing proyekto na hindi pa nasisimulan sa pag-aakalang naibaba na ang pondo rito.

Ang nasabing proyekto ay matagal nang inaabangan ng mga residente sa nasabing lugar sa dahilang kapag ito’y naisakatuparan ay tiyak na malaking kaginhawaan ito para sa kanila.