NDRRMC at PNP, paplantsahin ang kanilang datos sa mga nasawi sa Odette

Makikipag-ugnayan ang National Disaster Risk Reduction and Managment Council sa Philippine National Police upang linawin ang kanilang magkaibang datos sa bilang ng mga taong nasawi mula sa Bagyong Odette.

Base kasi sa huling tala ng NDRRMC ay umabot lamang sa 156 ang nasawi na malayo sa 375 na unang naiulat ng PNP.

Read More:  DSWD strengthens water, food security efforts amid Super El Niño threat

Ipinunto rin ng NDRRMC na siyam lamang sa mga nasawi ang validated kabilang na ang tig-dalawa sa Guimaras at Bohol, tig-isa sa Iloilo, Negros Occidental, Bukidnon, Misamis Occidental, at Misamis Oriental.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Naiulat rin ng NDRRMC na mayroon 37 ang nawawala, at 275 na sugatan mula sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Naniniwala naman si NDRRMC spokesperson Mark Timbal na posibleng kasama sa PNP tally ang mga “verbal items” at multiple entries ng single cases.