Nanawagan ng malalimang imbestigasyon ang grupong Bantay Bigas sa maanomalyang bentahan ng NFA rice.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Bantay Bigas Chairperson Cathy Estavillo, sinabi nitong bukas sila sa pagdinig ng Kongreso sa issue na kinahaharap ngayon ng National Food Authority.
Binigyang-diin pa nito na tila hindi nangyayari ang ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos na linisin ang mga ahensya ng pamahalaan at alisin ang mga tiwaling opisyal dito.
Giit ni Estavillo, hanggang ngayon ay wala pang napapapanagot ang Pangulo sa mga miyebro ng government agencies.
Sa huli, sinabi ng opisyal na matagal nang may nangyayaring kwestyonableng kalakalan sa NFA kaya posibleng ‘malalim’ ang posisyon ng taong nasa likod nito.