Panel chair: Kailangan ng P20-B para sa water systems sa mga evac center, relocation site

Kailangan umanong gumastos ang administrasyong Marcos ng nasa P20 billion para sa water systems sa mga evacuation centers at relocation sites sa ilalim ng panukalang P5.26 trillion 2023 budget.

Kaugnay nito, nanawagan si House Ways and Means panel chairperson at Albay Rep Joey Salceda ng funding bilang tugon sa report ng Department of Health, na tumataas ang kaso ng cholera sa bansa.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Ayon kay Salceda, ito umano ay isang unfolding national crisis, at kailangan na maging responsive ang budget.

Giit ng mambabatas, na ang pagpondo para sa naturang inisyatibo ay hindi dapat maging problema, dahil ang P63 billion sa probisyon ng Assistance to Local Government Units (ALGUs) sa ilalim ng panukalang P5.26 trillion budget ay pumalo na sa P63 billion.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Maliban dito, sinabi nito na makikipag-ugnayan ang House Ways and Means panel sa House Appropriations panel para maghanap ng paraan para pondohan ang naturang plano. //MHEL PACIA