Bansang Portugal, lumiwanag matapos ang pagdaan ng isang Comet

NAMANGHA ang mga residente sa bansang Portugal nang kanilang masilayan ang isang pambihirang kaganapan sa kanilang lugar.

Nitong Sabado ng gabi, lumiyab ang kalangitan matapos dumaan ang isang comet na nagresulta ng  panandaliang pagliwanag ng lugar.

Kita sa mga larawan ng netizens naibinahagi sa kanilang Social Media Platform, ang kakaibang kulay  berde, snowy white at arctic blue.

Samantala ayon sa European Space Agency, ito ay isang fragment o tipak lamang ng comet na umabot sa 45 kilometro kada segundo bago tuluyang bumagsak sa Atlantic Ocean. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *