Bangkay ni ex-policeman Nuezca, isasailalim sa autopsy

Nakatakdang isailalim sa autopsy ang bangkay ni dating police Master Sargeant Jonel Nuezca ngayong araw.

Ayon kay Bureau of Corrections Spokesman Gabriel Chaclag ito ay upang malaman ang totoong sanhi ng pagkamatay ni Nuezca.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Layon din umano nito na magbigay linaw sa mga haka-haka kaugnay sa pagkamatay ng dating pulis.

Minamadali na din ayon Chaclag ang imbestigasyon sa kaso at inaasahang mailalabas ito sa publiko bago matapos ang linggong ito.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Naniniwala ang BuCor official na posibleng inatake sa puso si Nuezca matapos itong mag-collapse habang nagalalakad kasama ang isa pang preso.

Magugunitang si Nuezca ay nahatulang guilty matapos mag-viral online ang pagbaril patay sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio noong Disyembre ng nakaraang taon.