Pormal nang pinalawig ng pamahalaan ang nationwide vaccination drive nito hangang December 3.
Sa isang advisory na pinirmahan ni presidential adviser on COVID-19 response Sec. Vince Dizon, pinagbigyan ang hiling ng mga LGUs na ma-extend ang orihinal na tatlong araw na Bayanihan Bakunahan campaign.

Nakasaad sa naturang advisory na ito ay upang magtuloy-tuloy ang momentum ng aktibidad at makabenipisyo ang mas maraming Pilipino.
Batay sa unang mga report mahigit 5-million doses ang naiturok na bakuna sa unang dalawang araw ng bakunahan habang hinihintay ang report mula sa LGU para sa datus sa ikatlong araw nito.
Una nang inihayag ng NTF na pinag-iisapan na nila ang panibagong 3-day vaccination drive sa kalagitnaan ng Disyembre.