Construction worker patay sa kapwa construction worker na nakaalitan sa inuman

SORSOGON CITY – Patay ang 24-anyos na construction worker matapos hatawin ang ulo nito ng matigas na bagay ng kanyang kapwa construction worker na nakaalitan habang nag-iinuman sa Brgy Pinamoghaan sa bayan ng San Fernando, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Arvin Hacotina Adovas, binata habang ang suspek ay nakilalang si Nestor Apa, 46-anyos, may asawa kapwa residente ng Brgy Maingaran sa lungsod ng Masbate.

Ang ina mismo ng biktima ang dumulok sa San Fernando MPS upang magsampa ng kaso sa suspek matapos na bawian na ng buhay ang kanyang anak sa ospital.

Sa salaysay ng Ginang sa imbestigador, nag-iinuman umano ang kanyang anak at suspek subalit sa kalagitnaan nito ay biglang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na naudyok sa suspek na hatawin ng rim ng gulong ng trak ang ulo ng biktima.

Nadala pa umano sa ospital ang kanyang anak subalit kinabukasan ay binawian na ito ng buhay.

Subject na ngayong ng manhunt operations ang suspek na si Apa na nakatakas matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *