Bangkay ng lalake natagpuang palutang lutang sa karagatang sakop ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Natagpuang palutang- lutang ang katawan ng isang lalake sa karagatang sakop ng Barangay 4, Mercedes, Camarines Norte Huwebes ng hapon.

Ayon sa PNP, kinilala ang biktima na si Chito Dias, na tinatayang nasa 55 taong gulang binata, mangingisda at residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa salaysay ng isang nagngangalang Ronald Vitalico y Trabaldo, kapitan ng bangkang “John Kevin” habang siya umano ay nagpipinta sa bangka ay lumapit ang biktima upang humingi  ng gamit panlinis sa kanyang bangka na nakadaong malapit sa breakwater ng nasabing lugar.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Makaraan ang ilang minuto ay nakita na lamang niya ang biktima na nakataob, palutang- lutang at wala nang buhay.

Inireport ito ni Vitalico sa MDRRMO Mercedes na siyang nagdala sa biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Humiling naman ang Mercedes MPS ng post mortem examination upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.