Bangkay natagpuang palutang-lutang sa Pasacao, Camarines sur

NAGA CITY- Bangkay ng isang babae ang tumambad sa isang mangingisda sa Ragay Gulf na sakop ng Tinalmud, Pasacao Camarines Sur.

Nakita ito bandang alas-una Linggo ng hapon , Nobyembre 6, 2022.  Ayon sa mangingisda halos di na makilala ang babae dahil nasa state of decomposition na.

Sa ngayon wala pang pagkakakilanlan, may suot na silver na kwintas at pula ang kulay ng daster. Ayon sa SOCO, pagkalunod ang ikinamatay nito. Nasa isang punerarya na ito sa naturang bayan, aabisuhan na rin ang ibang mga municipal police stations kung may nawawala sa kanilang lugar.

Kinumpirma naman sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Chester Enriquez na hindi ito ang 20-anyos na nawawalang estudyante sa Goa parehong probinsya.

Sa nawawalan ng kaanak makipag ugnayan sa PNP Pasacao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *