53-anyos na babae, panibagong nasawi sa Covid-19; 6 na bagong kaso naitala nitong weekend

Nadagdagan na naman ang bilang ng mga nasasawi dahil sa Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.

Naiulat nitong Sabado, Nobyembre 5 ang pinakahuling nasawi na isang 53- anyos na babae mula sa Barangay Abuyog, lungsod ng Sorsogon habang nairehistro pa ang 6 na indibidwal na nag positibo sa Covid-19.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Sa kasalukuyan, umaabot na sa kabuuang 487 ang total death toll ng lalawigan habang 26 naman ang nanatiling aktibong kaso at umaabot naman sa kabuuang 8,998 ang bilang ng indibidwal na tinamaan ng nasabing virus.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead