Branch manager ng isang Microfinance Comp., patay sa hit and run sa Puerto Princesa

Patay ang isang Agnes Palces Manuel, mahigit 40 anyos, Branch Manager sa COMMUNITY ECONOMIC VENTURES INC. ( Roxas Branch ) ngayong gabi ng Linggo, ika- 6 ng Nobyembre.

Ito ay matapos di umano siyang mabangga ng truck habang lulan ng kanyang motorsiklo.

Read More:  Alleged ‘undersized’ culvert linked to Ilog village flooding, DPWH action sought

Pabalik na umano ang biktima ng Roxas mula sa Puerto Princesa nang mangyari ang trahedya sa National Highway ng Brgy. San Rafael, Puerto Princesa.

Ang biktima, inabutan pa ng mga residente malapit sa lugar.

Sa video na ibinahagi ni Retired CIDG officer SPO3 Antonio Nangit Magbanua sa social media, may nakapag-sabi na mga residente na nabangga nga ito ng truck.

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest

Samantala, naipag-bigay alam na sa mga mahal sa buhay ang nangyari.

Note: Ang larawan ay mula sa Facebook Live ni Antonio Nangit Magbanua Jr.