Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga ang New Agrarian Emancipation Act o ang bagong batas sa reporma sa lupa.

Sa bisa ng naturang batas, mabubura na ang utang at nadagdag na multa ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP.
Sa ulat ng Department of Agrarian Reform, sakop ng condonation ang nasa 57.5 billion pesos na unpaid amortization mula sa principal debt.
Kasabay naman ng paglagda ni PBBM sa New Agrarian Emancipation Act, pinangunahan din ng Presidente ang simultaneous distributions ng land titles sa mahigit 29 thousand na agrarian reform beneficiaries o ARBs sa buong bansa.
Ang distribusyon ng titulo para sa mga ARBs mula Central Luzon at CALABARZON ay ginanap sa Malacañang.