CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Municipal Health Office ng Mercedes na muling magkakaroon ng bakunahan kontra COVID- 19 ngayong linggo Pebrero 7, 8, 10 at 11 habang wala namang naka-schedule sa Miyerkules, Pebrero 9.
Pero wala umanong available na bakuna ngayong Lunes, para sa 12- 17 anyos at magsisimulang magbigay ng Moderna bilang first dose para sa nabanggit na age group simula bukas, Martes, Pebrero 8.
Wala ring available na Pfizer ngayon para sa first at second dose.
Ipapaalam na lang daw kapag mayroong dumating na Pfizer para sa naturang bayan.
Mayroon namang available na bakuna para sa lahat ng naka schedule ng Sinovac second dose.
Ang mga available na bakuna sa bayan ng Mercedes ay Jannsenn, first at second doses ng AstraZeneca, second dose sa Sinovac at bukas naman magsisimulang magturok para sa first dose at second dose.
Ang bakunahan ay gagawin sa Mercedes Evacuation Center ngayong Lunes.
Bukas, Pebrero 8 ay sa Cayucyucan Covered Court, habang sa Hamoraon Elementary School naman at Pambuhan National High School sa Pebrero 10 at 11 ayon sa pagkakasunod- sunod.
Kasabay din nito ay ang bakunahan sa Mercedes Evacuation Center sa Pebrero 10 at 11.
