Bahay ng 73-anyos na lola sa Lucena City, nilooban ng mga kawatan; Pera at alahas, natangay

Nilooban ng dalawang lalaki ang bahay ng isang lola sa Barangay 5, Lucena City nitong Martes, Hulyo 9.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nang makapasok umano ang mga suspek sa pamamagitan ng pagtatanggal sa jalousie window ng bahay, doon na nito tinangay ang isang (1) microwave oven, IDs, mga dokumento at portable vault na naglalaman ng alahas at pera.

Agad na tumakas ang mga suspek subalit sa tulong ng isang confidential informant ay natunton ng mga awtoridad ang suspek at narekober ang mga tinangay ng mga ito.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong Robbery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *