Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Metro Manila at karatig na lalawigan dahil magkakaroon ng maintenance operation ang Meralco.
Magkakaroon ng power interruption sa piling oras, simula ngayong araw hanggang Linggo, December 10.
Sa December 5, ilang bahagi ng Pulilan sa Bulacan mula 10AM hanggang 3PM; gayundin sa Ayala Alabang sa lungsod ng Muntinlupa mula 9AM hanggang 2PM; sa Batasan Hills sa Lungsod ng Quezon mula 9AM hanggang 3PM; kasama rin ang probinsya ng Quezon partikular sa Tiaong at Dolores simula 10AM hanggang 3PM.
Sa December 6 hanggang 7 naman ay apektado rito ang ilang bahagi sa Cabuyao, Laguna simula 11PM hanggang 4AM.
Sa December 7 din sa ilang bahagi ng Lungsod ng Sta. Rosa City, Laguna mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Apektado naman sa December 8 ang bahagi ng Meycauayan, Bulacan mula 9AM hanggang 1PM.
Habang sa December 10, makararanas ng brownout ang Tayabas City, Quezon mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-singko ng madaling araw.
Hinihikayat ng Meralco ang mga consumers na bumisita sa kanilang social media sites para sa kumpletong listahan ng mga barangay na maapektuhan ng power interruption.
