Lumakas pa sa typhoon category ang Bagyong Marce.
Sa 11AM bulletin ng PAGASA – taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot ng 120 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng hanggang 150 kilometro kada oras.
Huli itong namataan sa layong 590 kilometro, silangan ng Baler, Aurora.
Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa:
Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
northern portion ng Nueva Vizcaya
northern portion ng Quirino, at
northern portion ng Aurora
Ngayong araw – posible pa rin ang malakas na bugso ng hangin sa bahagi ng Ilocos Sur, Aurora, Quezon at sa Camarines Norte.