Bukas ang PAGASA sa mga natatanggap nilang kritisismo upang lalo pang mapabuti ang kanilang serbisyo sa pagbibigay ng babala hinggil sa taya ng panahon.
Kasunod ito pagbatikos ni Senador Imee Marcos tungkol sa umano’y kakulangan ng maagang babala ng PAGASA, na aniya’y maaari sanang nakapagligtas ng mga buhay sa kasagsagan ng Bagyong Kristine.
Ayon sa deputy administrator for research and development ng PAGASA na si Dr. Marcelino Villafuerte, sinusuri at tinutugunan ng ahensya ang mga ganitong puna.
Binigyang-diin din ni Villafuerte ang ilang mga hakbang na ginawa ng PAGASA para maabisuhan ang publiko, kabilang ang tropical cyclone threat potential forecast at ang weather advisories.
Nauna nang nanawagan si Senador Francis Tolentino na magbitiw na sa posisyon si PAGASA Administrator Nathaniel Servando, matapos ang umano’y pagkukulang ng ahensya sa pagbibigay ng sapat na babala noong bagyong Kristine.