Inflation rate sa bansa – muli na namang bumilis at naitala sa 2.3% nitong Oktubre

Sumirit sa 2.3% ang inflation rate sa bansa sa buwan ng Oktubre.

Sa isang press conference, sinabi ni National Statistician and Philippine Statistics Authority (PSA) chief Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang inflation, o yung pagtaas ng presyo ng mga goods at services ay higit na tumaas noong nakaraang buwan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Noong Setyembre kasi, nasa 1.9% lang ang inflation rate.

Paliwanag ng PSA, ang uptrend na ito ay bunsod ng mabilis na annual increment sa mga weighted food at non-alcoholic beverages.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Kasabay ng tumaas na inflation rate, sinabi naman ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na tinatrabaho na ng gobyerno ang usapin upang magkaroon ng matatag na presyo ng essential commodities.