Lumakas pa ang hanging taglay ng Typhoon #GoringPH habang kumikilos sa direksyong pa-timog timogkanluran sa silangang bahagi ng Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layo 155 kilometro, Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 150 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 185 kilometro kada oras.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 3 sa northeastern portion ng Cagayan, at extreme eastern portion ng Isabela.
Signal number 2 naman sa eastern portion ng Isabela, eastern portion ng Cagayan, at northern portion ng Isabela.
Samantala, signal number 1 ang nakataas sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang ng Babuyan Islands, central portion ng Aurora, Qurino, nalalabing bahagi ng Isabaela, Apayao, eastern portion ng Nueva Vizcaya, eastern portion ng Ifugao, eastern portion ng Mountain Province, at Kalinga.
Sa ngayayon, patuloy pa ring pinalalakas ng Hanging Habagat ang bagyong #GoringPH at magdudulot ng kalat-kalat na ulan sa western portion ng Central at Southern Luzon gayundin sa Visayas hanggang sa susunod na tatlong araw.