Baguio LGU, binibilisan ang imbestigasyon sa acute gastroenteritis outbreak

Binibilisan na ng Baguio City Local Government Unit ang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng acute gastroenteritis outbreak sa lungsod.

Ito’y kasunod ng pagbaba na ng kaso nito.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Baguio City Health Office Acting Officer Dr. Celia Brillantes, nakapagtala na lamang sila ng dagdag na 13 kaso kahapon at inaasahan nilang mas bababa pa ito sa mga darating na araw.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Sa ngayon, pinapayuhan muna nila ang mga residente maging ang mga turista na uminom ng purified water o kahit mga pinakuluang tubig upang maiwasan nang madagdagan ang kaso ng sakit.

Read More:  President Marcos receives PLM’s highest honorary degree

Samantala, ayon sa Baguio City PIO , nakipag-ugnayan na si Mayor Benjamin Magalong sa iba pang government agencies katulad ng Epidemiology Bureau ng DOH upang mapabilis ang pagkuha ng datos at pagsusuri ng mga water samples upang matukoy ang sanhi at pinagmulan ng kontaminasyon.