NAGA CITY – Timbog ang dalawang suspek sa ikinasang Anti illegal Drugs Operation ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 kasama katuwang ang Naga at Camarines Sur at Police Station 6 kan Naga City Police Office kaninang pasado alas dose ng hating gabi sa sitio Langon Barangay Cararayan, naturang lungsod.
Ayon sa ulat kinilala ang mga suspek na sina “Darton” ng Pacol at “Herbert” na taga Milaor, Camarines Sur. Ito matapos na makabili ang operatiba na nagpanggap na buyer sa halagang P200,000.00. Nakuha sa posisyon ni Castro ang bag na naglalaman ng 2 bigkis na pinaniniwalaaang shabu na 200 gramo mga IDs at cellphone. Nakuha naman kay Abellado bag laman ang 1 bigkis na plastic na suspected illegal drugs na tumitimbang ng 25 gramo.
Ang lahat ng nakuhang mga ibedensya may kabuoang 325 gramo at halagang PhP 2,210,000.00. Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.