Bagong Yawa bridge 2 ng Legazpi City, target na tapusin sa loob ng dalawang taon- DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Sinisimulan na ang paggawa ng bagong Yawa Bridge 2 sa lungsod ng Legazpi upang mapaluwag na ang daloy ng trapiko tuwing rush hour.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Lucy Castañeda, ang Regional Spokesperson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol, sinabi nito na target na tapusin ang ginagawang bagong Yawa Bridge 2 sa loob ng dalawang taon kung wala umano na itong maantala.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Aniya, buwan ng December taong 2020 pa ito nasimulan subalit nagkaroon lamang umano ito ng problema kung kayat nadelay pa rin ito sa paggawa ng proyekto.

Hindi rin masabi kung ilan phase ng paggawa ng Yawa Bridge 2 dahil sa nagdedepende rin umano ito sa allocation budget.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Aabot sa mahigit P69M ang nabanggit na proyekto ngayon ng tanggapan.

Ayon sa opisyal, sa oras na matapos na ang Yawa Bridge 2 ay magiging maluwag na ang kalsada dahil magiging alternatibo na ito ng mga sasakyan patungong 1st district o vice versa.