CAMARINES NORTE- Naglatag ng ilang aktibidad ang Department of Trade and Industry sa lalawigan ng Camarines Norte bilang pakiisa sa pagdiriwang ng World Consumer Rights Day sa Marso 15.
Ayon kay Alvin Sayno, Consumer Protection Division Head ng DTI, bilang pakiisa umano sa global celebration ay magsasagawa ang ahensiya ng seminar patungkol sa online banking at cashless payment sa ganap na ala una ng hapon bukas.
Ang link para sa naturang seminar na gagawin via zoom ay ipo- provide sa mga participants sa pamamagitan ng DTI Camarines Norte Facebook page.
Inimbita ng DTI ang mga kumpanyang katulad ng Globe, GCash, PayMaya Philippines, at BDO.
Ani Sayno mas naramdaman ang kahalagahan ng online digital transactions sa panahong ito ng pandemya dahil marami ang hindi makalabas ng bahay lalo na noong nasa ilalim ng enhance community quarantine ang bansa.
Dahil dito ang mode of transactions ay ang pagamit ng online platforms.
Malaking tulong umano ang gagawing seminar upang maipaliwanag sa mga consumer kung paano gamitin ang iba’t ibang serbisyo ng online platform.
Magkakaroon din ng serye ng consumer education seminar upang makalikha ng kamalayan sa consuming public.
Gagawin din ito via zoom na nakaayon sa tema ng pagdiriwang ngayong tayon na “Fair digital finance.”
Mayroon ding aktibidad sa Provincial at Regional Level na digital arts making contest kung saan mababasa ang mechanics nito kung paano sumali sa DTI Camarines Norte facebook page.
“We are trying to create public awareness by providing our participants yung idea para dun sa kanilang mga karapatan at mga responsibilidad bilang consumers,” ani Sayno sa panayam ng Brigada News FM Daet.
