Bagong slaughter house sa Quezon, ininspeksyon ng mga lokal na mambabatas

Nagsagawa ng ocular inspection ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Quezon sa bagong slaughter house ng munisipyo.

Kasama sa inspeksyon ang gumawa ng proyekto na may layunin na matiyak ang estado ng pasilidad sa kabila ng mga umano’y reklamo at problem ana nakaabot sa mga konsehal.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kaugnayn nito, natuklasan na maliit ang sukat ng slaughter, may problema rind aw sa flooring at wala pa itong dibisyon para sa Jalal meat.

Nabatid din na limampung (50) porsyento pa lamang na tapos ang proyekto mula nang ito ay simulang gawin ngayong taon.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Samantala, matapos ang inspeksyon ay inirekomenda ng mga miyembro ng konseho na gawin na lamang ang iba pang remedyo hanggang matapos ang bagong katayan.