NAGA CITY – Gaganapin na rin sa Camarines Sur ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, sa dalawang araw na aktibidad inasahan ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa programang ito ng pamahalaan layunin na ilapit ang serbisyo sa publiko kaya naman nasa 40 na mga ahensya ng maghahatid ng serbisyo na gaganapin sa Nabua , Camarines Sur sa Setyembre 23 at 24, 2023.
Kasama sa mga ito ang Department of Agriculture (DA) Bicol at mga sangay tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coconut Authority (PCA) na mamahagi ng ₱568.8 milyon na halaga ng mga tulong tulad ng fertilizer voucher discount, mga gamit sa pagsasaka, makinarya, cheque , livestock, fingerlings at iba pa para sa mga taga Camarines Sur.
Ayon kay Love Guarin , tagapagsalita ng DA Bicol, malaking bagay ito sa lalawigan hindi lamang para sa mga magsasaka’t mangingisda.
Sa hiwalay na anunsyo ni 5th District Representative Migz Villafuerte, sinabi nitong may mga serbisyo sinabi nito na isa sa mga inaabangan ang LAB FOR ALL ng Department of Health.
Pasalamat din ang opisyal dahil nabigyan ng pagkakataon na i-host ang pinakamalaking service event.