Nagagamit na ang may walong kilometrong haba na Calaocan Irrigation Pipeline System sa Bgy. Burgos, Carranglan, Nueva Ecija matapos itong pasinayaan nakaraang Huwebes ng Department of Environment and Natural Resources at ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
Ang proyekto ay pinondohan ng JICA na nagkakahalaga ng 9.4 million pesos bilang agroforestry support facility para sa sampong taon na Forest Land Management Project.
Makakatulong ito para mabuhay ang mga forest plantation sa 44,000 ektaryang Pantabangan-Carranglan Watershed sa panahon ng tag-init.
Ang irigasyon ay binubo ng pitong tangke na konektado sa 8-kilomter pipe at makakasuporta sa 850 ektarya ng agroforestry farm at 900 na pamilya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DENR Central Luzon
