Closing exercises para sa SY 2020- 2021 gagawin ngayong Linggo, SDS Guemo nagpasalamat sa lahat ng nagtaguyod sa edukasyon sa gitna ng maraming pagsubok

CAMARINES NORTE- Opisyal nang magtatapos ang School Year 2020- 2021 ngayong Linggo na itinuturing na isa sa pinakamatinding pagsubok sa larangan ng edukasyon dahil sa COVID- 19 pandemic.

Huling araw na ng klase noong Biyernes, July 10 at simula ngayong araw July 12 hanggang  July 16 ay isasagawa na ang mga closing exercises.

Magkakaroon ng moving- up o completion sa Kindergarten at Grade 10 habang graduation exercises naman sa Grade 6 at Senior High School.

Ngayong School Year din ay magkakaroon ng academic excellence award sa Grade 6, 10 at 12.

Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na hindi pinapayagan ang face-to-face graduation and moving up rites upang maprotektahan ang mga mag- aaral, guro, personnel at mga magulang.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Sa halip hinimok ng DepEd ang mga eskwelahan at community learning centers (CLCs) na maghanda ng maikling “virtual program” na tatagal  ng hindi lalagpas sa dalawang oras bilang pagkunsidera sa “amount” ng mobile data na magagamit at internet connectivity ng mga mag- aaral.

Dapat din umanong i- secure ng mga eskwelahan ang consent ng mga magulang at mag- aaral kung gagawing accessible sa public ang broadcast alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Nagpasalamat naman si Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympa Guemo sa lahat ng mga naging bahagi para maitaguyud ang edukasyon sa kabila ng matinding hirap na pinagdaanan ng mga guro, lalong lalo na ang mga estudyante at kanilang mga magulang bunsod ng COVID- 19 pandemic.

Nalagpasan natin yung challenges na delivery ng distance learning using the different content format at alam naman natin ang sobrang paghihirap hindi lang ng mga kaguruan gayundin ang mga magulang lalong- lalo na, sapagkat sila ang naging guro ng kanilang mga estudyante,” ani Guemo.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Pinasalamatan rin nito ang iba’t- ibang Lokal na Pamahalaan sa tulong na ibinigay ng mga ito lalo na sa pondo na kanilang ipinagkaloob para lang makatulong sa mga eskwelahan sa kani- kanilang bayan.

“My congratulations, appreciation recognition sa lahat ng efforts na ginawa ng ating mga kasamahaan sa paaralan, sa Divison Office sa community, maraming- maraming salamat po at Dios Mabalos saindo gabos”.