Bagong panganak na sanggol, itinapon sa septic tank

Nagulat ang mga Taga-Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City nang makita ang isang bagong panganak na babaeng sanggol na iniwan sa septic bandang alas-singko ng umaga ngayong lunes.

Ayon sa Midwife ng Barangay na si Sol Tikar, isinugod sa kanila ng babaeng nakakita ang sanggol na naligo na sa dumi ng tao.

Aniya, hindi pa rin daw napuputol ang pusod ng bata kaya agad nila itong inasikaso at pinaliguan.

Sa kasalukuyan nasa Ospital na ngayon ang sanggol na nasa maayos na kalagayan.

Samantala, aalamin na ng barangay kung sino ang ina ng sanggol upang mapanagot sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *