Councilor ng Naic, Cavite arestado, mga baril at granada nakumpiska ng CIDG

Himas rehas ang municipal councilor ng Naic Cavite na si Maria Teresa Puno sa ikinasang Oplan Panlalansag Omega ng CIDG Southern Metro Manila District Field Unit.

Narekober ng mga otoridad ang apat na granada, pitong iba’t ibang kalibre ng baril at daan-daang bala na pawang walang mga kaukulang dokumento.

Nag ugat ang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng RTC Branch 36 ng Calamba City.

Kasama ring naaresto ang kanyang asawa na si Joselito Puno, at ang dalawa nilang security guard.

Nasa tanggapan na ng CIDG SDFU ang mga nahuli at mga nakumpiskang baril at granada para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *