Bagong insidente ng pangha-harass ng CCG, nakakaalarama – AFP

Nakakaalarma ayon sa Armed Forces of the Philippines ang panibago na naman insidente ng pangha-harass ng China Coast Guard sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Nauna nang kinumpirma ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang pag pigil ng China Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa pangongolekta ng sea shells sa Bajo de Masinloc noong January 12.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, suportado nila ang anumang operational requirements ng PCG para mapangalagaan ang mga lokal na mangingisda sa West Philippine Sea.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Tiniyak ni Col. Padilla na magpapatuloy ang kanilang regular operations sa territorial water ng bansa